MMF

XAS: Matamis na simula

20140227-201536.jpg
 

Di nagpapigil ang mga magigiting na motorista matapos hamakin ang kainitan at magpakitang-gilas sa MMF loves Taytay noong ika-23 ng Pebrero sa Mx Messiah Fairgrounds, Club Manila East.

Saludo ang mga Taytayeňo sa lupit ni Ompong Gabriel ang trompeo sa Kids Jr at pumangalawa sa Kids Sr kontra kay Troy Alberto.

Sinalo naman ni RXP Open Production champ Jojo Cochoco ang laban matapos pakainin ng alikabok ang mga beteranong sina TJ Alberto at Benjo Leyva.

Di din nagpahuli ang RXP Executive winner Jon-jon Antonio na umariba sa race track upang higitan si Nonoy Abonita at Butchoy Castillo.

“Nais natin bigyan ng break ang mga grassroots at hayaan sila mag-step up. Buhay din sila ng motocross,” wika ni Xtreme Adrenaline Sports Entertainment CEO Samuel Mark Tamayo.

Inaabangan ang kasunod ng karera para sa mga grassroots sa darating na 15-leg MMF RXP Series sa summer.

“Ang susunod na karera ay magiging serye ng tune-up races kung saan makakapagbigay ng race experience sa mga nais gumaling pa lalo sa motocross,” dagdag ni Tamayo ng Generation Congregation.

Ang mga nagwagi ay nag-uwi ng cash, trophy at gift items mula sa Spyder Philippines.

Comments